Huwag kang papadala sa emosyon. Nasa isip lang yan lahat. Huwag kang papakatanga sa mga nararamdaman mo, dahil uso sa utak ang spur-of-the-moment na desisyon at madadala ka lang sa katangahan. Next time, pag may napagdesisyunan ka, be firm about it…kasing fim ng muscles mo sa legs.

Huwag magpapakatanga sa emosyon, nararamdaman mo lang yan. Hindi yang ang dapat magdikta ng mga gagawin mo sa buhay. Dapat ikaw mismo, walang stimuli.

Ikaw ang driver ng sasakyan patungo sa kung saan, nagmamaneho sa bilis na kaya mo, at nagdedesisyon kung liliko o dideretso. Ikaw ang driver ng sasakyan patungo sa kalawakan.

Pero minsan mahirap magmaneho, lalo na kung mag-isa, madilim ang daan, at walang ibang sasakyan sa paligid. Parang pakiramdam mo, ginawa ang highway para sa’yo, pero ang totoo…ikaw lang kase ang may gustong dumaan.

Paano nalang kung inaantok ka sa madilim na daan? Sino ang maniniguradong gising ka? Saan ka liliko ng sigurado? Ang kailangan mo ay ako, pahinante ng sasakyan mo. Tutulong sa’yo magmaneho, handang pumalit sa oras na kailangan mo magpahinga, ituturo sa’yo ang daan.

Baka may opening, eto o, resume ko.

Huwag ka ngang tanga, kita mo naman na nandito ako, alam mo naman ang nararamdaman ko, pero bakit patuloy lang tayong naglolokohan at nagpapanggap na wala tayong alam.

Alam mo kung ano nararamdaman mo, at alam mo kung ano ang nararamdaman ko - pero patuloy nating binabalewala ang mga bagay na’to, na parang naglalaro lang tayo sa emosyon ng isa’t isa. Hindi dapat ganun, diba?

Tama na, ayoko nang maglokohan pa. Tama na, ayoko nang masaktan pa. Tama na, ayoko nang makasakit pa.

Itigil na natin ‘to. Mukha lang naman tayong gago.

Ikaw ay isang panaginip lamang. Nabibigay sakin ang mga nais ko, ngunit habang ako’y tulog, walang malay sa totoong nangyayari. Ilang hakbang lang pinagkaiba mo sa katotohanan, ngunit sa pagkagising ko…wala ka na.

Ayoko na, please. Hindi ko alam kung ano ang problema sakin at kahit ilang beses ko na isipin na hindi kita pwedeng mahalin dahil hindi ka rin naman mapapasaakin pero umaasa parin ako, nangangarap na baka magbago ang isip mo, napapanaginipan ang mga pangyayari na nais kong pagsaluhan natin.

Tama na, ayoko na, peace na please.

Sana madali lang sabihin sa’yo na minahal kita. Oo, tapos na, nawala na yung nararamdaman ko sa’yo. Ubos na. Sagad na. Simot na. Sana madali lang talaga, pero ang hirap eh. Pero ngayong wala naman na tayong panghahawakan, siguro kaya ko na sabihin sa’yong minahal kita. Tutal, wala naman na. Ubos na. Sagad na. Simot na.

Kayanin ko kaya? Makapag-ipon kaya ako ng sapat na tapang para sabihin sa’yong minahal kita, at ngayon wala na? Ang daming nasa isip ko ngayon, kung ganun din ba nararamdaman mo? Kung maiilang ka ba sakin pagkatapos? May pag-asa pa kaya ang pagmamahal ko sa’yong wala na? Ubos na. Sagad na. Simot na.

Sana makalimutan kita. Wala na. Ubos na. Simot na.

Kalilimutan ko na din ba?

Bakit lagi nalang ako? Lagi nalang pangalan ko naiisip at nababanggit sa tuwing may mali? Hindi dahil flawed akong tao eh lahat ng flaws, sakin na. Malaki ang mundo, madaming bagay na nangyayari sa bawat segundo na hindi mo nalalaman o namamalayan - everything running in real time.

Sandali, hayaan mo akong mag-Ingles dahil hindi ko kaya sa Filipino.

This is pure and utter BS. Just BS. Every single time, I try to take it all in - all the mistakes, all the flaws in the process, let me take the blame. But not everytime, I’m the one who made a mistake. We all make mistakes - we can never blame the government officials until the government itself it perfect; people are supposed to be flawed, but a system should never be.

This is one reason why this country isn’t reaching its full potential - let’s not blame it on the corrupt officials, the system allows them to be corrupt. Let us blame these people when the system is perfect, when the system has no loophole into letting them do what they do.

But let’s not talk about the government, it’s just a metaphor. Let me talk about people, and how much they are flawed, how they are open for mistakes, how external factors may lead them into committing these mistakes. Blame the system, not the people.

The way the world works is not perfect. Why else would we suffer global warming? Do not blame the people for burning or cutting down trees, blame the system for it allows people to burn and cut down trees. Do not blame the people, blame the system.

I know I’m not speaking in coherent sentences right now, but I just have to let this all out. In this world, there are 7 billion flawed human beings and if you collect all these flaws, we will surely make a big mistake.

Bakit ba kelangan natin maging friends? Pwede bang rape nalang?

Gusto kong sabihin na mahal kita, hindi pala, na napapamahal na ako sa’yo - ibang bagay yun. Pero gustong gusto ko sabihin, takot lang ako na mawala ka sakin, sa estado natin ngayon. Pero bakit kasi ang labo mo? Bakit ko nararamdaman na gusto mo ako, ngunit hindi ako sigurado, hindi ko alam kung ako ba talaga.

Gusto kong sabihin sa’yong napapamahal na ako sa’yo, na gusto kitang makausap sa gabi bago matulog, na gusto kitang kantahan, na gusto kitang mayakap kapag malunkot ka, na gusto kita makatabi sa sinehan.

Pero di ko kayang sabihin. Siguro, hanggang dito nalang ako.

Naalala mo pa ba ang lasa ng almusal sa tuwing bumibisita ka sa probinsya kina Lola? Yung malata at mainit na kanin, umuusok pag sandok sa pinggan. Yung hotdog na kakaluto lang, Tender Juicy din pero parang mas sariwa ang lasa. Yung orange juice na walang yelo at di naman kakagaling lang sa refrigerator, pero kasing lamig ng hangin sa umaga.

Naalala mo pa ba ang lasa ng almusal sa tuwing bumibisita ka sa probinsya kina Lola? Sarap diba?